Gusto Kita
March 24, 2008 by nightfox
Gusto kita
sa piling ko’y
ikaw lang ang mahalaga
pilitin mang limutin ka
ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang isip
at damdamin ko
sa piling ko’y
ikaw lang ang mahalaga
pilitin mang limutin ka
ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang isip
at damdamin ko
Gusto kita
pagkat ang kilos mo’y
sadyang ibang-iba
mahinhin at malambing pa
katangiang di mo sadya
pag-ibig kong ito’y hindi na
magbabago pa
Kahit sabihin na mali ako
alipin mo o bihag mo, ako’y iyong-iyo
kung pag-ibig ang pag-uusapan,
di ko na ililihim pa
ang damdamin ko sa’yo
sa akin ay gusto kita